Biyernes, Marso 16, 2018

Gusto nyo bang Mag gala? Mag Bonding kasama ang tropa Barkada at pamilya ng may Aral na matututunan? Mamangha sa mga gawang Likhang Sining ng ating mga kababayan? Malaman ang bawat detalye sa magagandang Sining? Punta na sa Pinto Art Museum, ito ay matatagpuan sa Antipolo. Mura at nakaka engganyo dahil sa Halagang 100pesos ay makakapasok kana pero kelangan may dalang I.D pero kung wala 200pesos ang babayaran mo. Sa halagang ito makikita ng maraming mga Likhang sining at mga desenyo kayong makikita pwedeng mag picture basta walang flash dahil mag mumulta ka, at bawal ang Video sa loob dahil pawang pag kuha lang ng litrato ang pede.

Sa Pinto Art Museum ay bubungad agad sa inyo ang magandang tanawin plus ang mga magagandang mga Likhang sining.

Hindi mo kelangan lumayo para makakita ng gantong kaganda at bawat mga Likha ay may nakatagong salita.


"The Oracle" by: Agnes Arellano, pinapaniwalaang bawat lumalabas sa bibig nya ay propisiya.

Title: Hapunan. "NOWHERE" by: Patrick Fernandez, pinapakita dito yung tradisyonal na pag hahapunan ng mga pilipino.


Ipinapakita dito ang mga iba't ibang mga pananaw kilos at tradisyonal ng mga Filipino sa Pilipinas.

Sa bawat pag tuklas ng buhay ng iba, sariling imahe mo nadudumihan na, Sa bawat pag alam mo sa mga bagay bagay sarili mo dimo na naalagaan.

































Makikita ang mga sina-unang kubyertos at mga ginamit ng ating mga ninuno.



Pinapakita kung paano at kung saan nag simula, saan ng mula ang mga tao.


Kung interesado at gusto nyo pang maka kuha at makakita ng mas maraming impormasyon ay pumunta lang kayo sa Antipolo, Pinto Art Museum.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento